4 July 2024
Calbayog City
National

Paggamit ng water cannon sa pagtatanggol sa West Philippine Sea, tinutulan ni Pangulong Marcos

water cannon

Hindi gagamit ng water cannon ang Pilipinas para ipagtanggol ang teritoryo ng bansa, ayon mismo kay pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa ambush interview, sinabi ng pangulo na ayaw na niyang palalain pa ang tensyonado nang sitwasyon sa West Philippine Sea, kasunod ng pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas noong nakaraang martes.

Binigyang diin ni Marcos walang intensyon ang Pilipinas na atakihin ang sinuman sa pamamagitan ng water cannons  o anupamang hakbang na magpapaigting sa  tensyon.

Inihayag ng pangulo na ang pinakahuling nais niyang mangyari ay lumala ang tensyon sa West Philippine Sea, at hindi gagayahin ng bansa ang mga ginagawa ng mga barko ng China.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *