Nagpakawala ang US at Philippine Armed Forces ng missiles at artillery upang pigilan ang simulated invasion sa hilagang karagatan ng bansa na nakaharap sa Taiwan.
Ito’y upang ipakita ang pwersa ng dalawang bansa sa nagpapatuloy na 2024 Balikatan Exercises, at ang tumitibay na relasyon ng Pilipinas at Amerika sa gitna ng umiigting na tensyon sa rehiyon.
Kahapon ay nasa dalawandaang mga sundalo ang nagtanggol sa baybayin ng Laoag City sa Ilocos Norte, sa pamamagitan ng paglulunsad ng javelin missiles at pagpapaputok ng howitzers at machine guns upang maitaboy ang hindi pinangalanang kalaban na nagtangkang dumaan sa dalampasigan.
Ang Balikatan 2024 na nilalahukan ng labing anim na libong Pilipino at Amerikanong sundalo na sinimulan noong nakaraang buwan ay nakatakdang magtapos sa Mayo a-diyes.