12 July 2025
Calbayog City
National

Paggamit ng natitirang ORs hanggang sa maubos, pinayagan ng BIR

PINAYAGAN na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang paggamit ng natitirang Official Receipts (ORs) hanggang sa tuluyang maubos ito, sa halip na hanggang sa December 31, 2024 lamang.

Sinabi ni BIR commissioner Romeo Lumagui Jr. na maari na ring isumite ang inventory reports and/or notice sa pamamagitan ng email.

Ayon sa ahensya, ang bagong direktiba sa ilalim ng Revenue Regulation no. 11-2024 at Revenue Memorandum Circular no. 66-2024, ay inilabas upang mas maging accommodating sa taxpayers ang transition ng system sa ilalim ng Ease of Paying Taxes (EOPT) Act.

Matapos maisabatas ang EOPT, inihayag ng BIR na pinagsikapan nilang ipagtugma ang iba’t ibang mga regulasyon, sistema, at proseso na nasa ilalim ng kanilang mandato.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *