POSIBLENG hindi makasama sa Alas Pilipinas Women para sa 2024 FIVB Challenger Cup sa susunod na buwan si Tots Carlos na hindi pa nakadadalo sa training ng team, ilang araw na lamang natitira bago ang kanilang bagong kampanya.
Sinabi ni Alas Head Coach Jorge De Brito na naka-attend na ang troika nina Bella Belen, Alyssa Solomon, at Jema Galanza sa mga practice.
Gayunman, nagpapagaling pa rin si Solomon mula sa injury na natamo nito kasunod ng Championship Run ng National University sa UAAP season 86.
Bilang host uli, makakasagupa ng Pilipinas ang powerhouse Vietnam sa quarterfinals ng Challenger Cup, na magsisilbing qualification para sa VNL edition sa susunod na taon.
Ang mananalo sa laro ay makakaharap naman ang CZECH Republic o Argentina sa semifinals round.