Inatasan ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang Philippine National Police (PNP) na pag-aralan ang posibilidad ng pagbuo ng Legal Department sa hanay ng pambansang pulisya.
Ginawa ni pangulong Marcos ang utos sa ikalawang command conference kasama ang PNP sa Camp Crame, Quezon City.
ALSO READ:
DND chief, nagpaliwanag kung bakit hindi kinausap ang Chinese Counterpart sa Defense Ministers’ Meeting sa ASEAN
ICC, Remedial Measure lang; pagbuo ng Independent People’s Commission, kailangan nang madaliin
Dating Cong. Zaldy Co, wala pang sagot sa reklamong nag-uugnay sa kanya sa Flood Control Scandal
DOJ, sinubpoena ang mga respondents sa 5 Ghost Flood Control Projects sa Bulacan
Sa ganitong paraan, sinabi ni pangulong Marcos na mabibigyan ng proteksyon ang kapakanan ng mga pulis laban sa harassments at flimsy accusations.
Hindi naman aniya maaring balewalain na lamang ang kapakanan ng mga pulis na nag-alay ng buhay sa serbisyo at basta na lamang aakusahan at hindi makakuha ng maayos na abogado.
Nais ni pangulong Marcos na mabigyang proteksyon ang mga pulis laban sa mga ma-impluwensyang personalidad.
