NAKATULONG nang malaki ang hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na ipagbawal ang lahat ng POGO, sa pagkaka-alis ng Pilipinas mula sa Financial Action Task Force (FATF) grey list.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, napakalaking factor ng POGO ban para makita ng FATF ang improvement ng bansa.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Aniya, batay sa Executive Order No. 33, tiniyak na ang mga rekomendasyon ay dapat maisakatuparan upang matanggal ang bansa sa grey list, dahil malaking bagay ito, lalo na sa OFWs at investors.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo ng nakaraang taon, na i-ban ang lahat ng POGOs sa bansa, makaraang maiugnay dito ang iba’t ibang krimen, gaya ng human trafficking, serious illegal detention, at money scams.