ONGOING na ang pagbili ng mga materyales para sa agarang pagkukumpuni ng Biliran Bridge, kasunod ng pagre-release ng 30 million pesos ng request ng Department of Public Works and Highways-Biliran District Engineering Office sa pamamagitan ni DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Pinasalamatan ni DPWH-Biliran DEO OIC-DE Irwin Antonio si Bonoan sa pagsasa-prayoridad ng agarang paglalabas ng pondo upang makumpuni ang umuugang tulay para sa kaligtasan at kaginhawaan ng komunidad.
Kinilala rin nito ang consistent follow-ups at suporta ni Biliran Rep. Gerardo Espina Jr., kasama ang iba pang stakeholders sa pag-facilitate ng proseso.
Sa resulta ng assessment na isinagawa noong Disyembre, tinukoy ng technical engineers ang ilang damage sa bridge stringers, steel cross bracing, loose nuts and bolts, at build-up sections ng spans 4 at 3, bunsod ng corrosion at exposure sa tubig-alat, at araw-araw na pagdaan ng mabibigat na sasakyan.