Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa lalawigan ng Southern Leyte.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 14 kilometers northwest ng bayan ng Hinunangan, 11:09 ng umaga ng Huwebes, Jan. 16.
May lalim na 1 kilometer ang pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity IV SA Hinundayan, SOUTHERN LEYTE HABANG Intensity III SA Sogod, Silago, at San Juan, SOUTHERN LEYTE.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng aftershocks ang lindol. (DDC)