MAGKAKALOOB ng calamity loans ang Social Security System (SSS) para sa kanilang mga miyembro na naapektuhan ng Super Typhoon Carina sa National Capital Region at sa iba pang mga lugar na isinailalim sa state of calamity.
Sa statement, sinabi ni SSS President and CEO Rolando Ledesma Macasaet, maaring humiram ng halagang 20,0000 o katumbas na halaga ng isang buwang sahod ang mga miyembro ng SSS.
Airline Companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong Flight Updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Nais aniya nilang tiyakin na sa oras ng kalamidad ay maaasahan ang SSS para sa pinansiyal na pangangailangan ng mga miyembro nito at upang makaagapay sa pagrekober ng kanilang mga pamilya mula sa epekto ng bagyo.
Para mag-qualify sa Calamity Loan Assistance, kailangan ay nakapag hulog nang hindi bababa sa 36 monthly contributions ang mangungutang na miyembro; nakatira sa mga lugar na may deklarasyon ng state of calamity; below 65 years old; at walang final benefit claim tulad ng permanent total disability or retirement; walang hindi nabayarang SSS short-term member loans at walang outstanding restructured loan o calamity loan.