8 November 2025
Calbayog City
Overseas

Mga palengke sa Taiwan sarado na dahil sa inaasahang pananalasa ng bagyong Carina na galing sa Pilipinas

ITINIGIL ang operasyon ng mga palengke sa Taiwan dahil sa banta ng bagyong Gaemi na bagyong Carina sa Pilipinas.

Ipinatigil na rin ang pasok ng mga mangagawa at mga empleyado kasabay ng malalakas na mga pag-ulan at paghangin sa lugar.

Sa capital na Taipei at mga kalapit na mga syudad na New Teipei, Keelung, at Tauyuan, isinara na rin ang mga eskwelahan at financial market dahil sa banta ng bagyo.

Una na ring kinansela ng naturang bansa ang taunang Han Kuang War Games upang bigyang-daan ang paghahanda sa inaasahang pagbayo ng naturang bagyo.

Kasabay nito ay naka-standby na ang mahigit 1,000 mga rubber boats para sa posibleng mga pagbaha sa malaking bahagi ng Taiwan dahil sa malalakas na pag-ulang dulot ng bagyo.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).