Nagpatupad ng malakihang rollback sa gasolina ang mga kumpanya ng langis, gayundin sa iba pang mga produktong petrolyo, ngayong Martes.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo na tinapyasan ang presyo ng gasolina habang ika-apat na sunod na linggo naman sa diesel at kerosene.
Dalawang piso ang ibinawas ng oil companies sa kada litro ng gasolina habang limampung sentimos sa diesel at walumpu’t limang sentimos sa kerosene.