BINIGYANG pagkilala ng Calbayog City si Vice Mayor Rex Daguman.
Sa Resolution of Commendation mula sa Sangguniang Panlungsod na nilagdaan ni Mayor Raymund “Monmon” Uy, pinagkalooban ng pinakamataas na pagkilala si Daguman dahil sa kanyang outstanding achievement matapos parangalan bilang Honorary Vice Mayor of The Year.
Tinanggap ng bise alkalde ang pagkilala sa ika-anim na Nation Builders at Most Sustainable Liveable Communities (MOSLIV) Awards 2024 na ginanap sa Grand Ballroom, Okada Manila noong May 3, 2024.
Sa naturang resolusyon, kinilala ang exceptional leadership at contributions ni Vice Mayor Rex, pati na ang kanyang hindi matatawarang dedikasyon sa pagtatatag ng sustainable at liveable communities.