UMABOT sa mahigit 2.8 million pesos na halaga ng mga tanim na marijuana ang nadiskubre ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Benguet.
Sa ulat mula sa Regional Operations Division ng PRO-CAR, nagsagawa ng magkahiwalay na Eradication Operations ang pulisya sa Brgy. Kayapa sa bayan ng Bakun at sa Brgy. Tacadang sa bayan ng Kibungan.
ALSO READ:
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Bilang ng mga nasawi sa pagguho ng landfill sa Cebu City, umakyat na sa 6
Nadiskubre sa dalawang barangay ang 14,200 fully grown na marijuana.
Ang mga nadisukbreng tanim ay agad na binunot at sinunog.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy kung mayroon pang ibang plantasyon sa lugar at para mahuli ang mga responsable sa pagtatanim.
