HINDI bababa sa dalawampu katao ang patay habang mahigit walumpu ang nasugatan sa Israeli airstrikes sa Gaza, ayon sa Local Health Authorities.
Inihayag ng mga saksi at medics na ang unang pag-atake ay tumama sa isang kotse sa Rimal Neighboorhood na ikinasawi ng lima katao.
ALSO READ:
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
Kasunod nito ay dalawang magkahiwalay na airstrikes ang inilunsad ng Israeli Air Force sa dalawang bahay sa Deir Al-Balah City at Nuseirat Camp, sa Central Gaza Strip, kung saan sampu ang namatay habang may ilang mga nasugatan. Noong Sabado ay isang bahay sa Western Gaza City ang tinamaan ng airstrike na ikinasawi ng limang Palestinians.
