PATAY ang dalawang miyembro ng New People’s Army makaraang makasagupa ang mga miyembro ng 8th Infantry Division ng Philippine Army sa Mapanas, Northern Samar.
Sa nasabing insidente na nangyari sa bahagi ng Barangay San Jose, may nakumpiska din ang mga sundalo na dalawang mataas na kalibre ng baril.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Nagsasagawa ng Military Operation ang mga tropa ng Philippine Army nang makatanggap ng report mula sa mga residente sa lugar hinggil sa presensya ng mga armadong indibidwal na nangingikil umano sa mga tagaroon.
Ayon sa mga sundalo, sampung rebelde ang kanilang naka-engkwentro at matapos ang palitan ng putok, naiwan ang dalawang nasawing rebelde habang tumakas naman ang iba pa.
