LILIPAD patungong Cambodia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa isang State Visit sa susunod na buwan bago tumulak sa US para dumalo sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York.
Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro ang biyahe ng pangulo sa Cambodia simula Sept. 7 hanggang 9.
Cyberlibel ni Sen. Risa Hontiveros laban kay Atty. Ferdinand Topacio, ibinasura ng DOJ
Interpol humihingi pa ng dagdag impormasyon sa request na red notice kay Zaldy Co
Hirit ni Dating Senador Bong Revilla na mailipat siya sa Camp Crame sinopla ng korte
Cong. Edvic Yap nagbitiw bilang kongresista; Cavite Rep. Kiko Barzaga suspendido ulit ng 60-araw
Inanunsyo rin ni Castro ang pagdalo ni Pangulong Marcos sa UNGA sa New York sa huling bahagi ng susunod na buwan.
Sinabi ng Palace official na ang Department of Foreign Affairs na ang magbibigay ng iba pang detalye sa dalawang biyahe ng punong ehekutibo.
Nabatid na bubuksan ang 80th Session ng UN General Assembly, kung saan nagtitipon-tipon ang World Leaders tuwing Setyembre ng bawat taon sa New York, sa Sept. 9 habang ang High-Level General Debate ay itinakda simula Sept. 23 hanggang 29.
