NADAGDAGAN ng 170 million pesos ang Proposed Budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2026 mula sa kasalukuyang taon.
Sa press conference, sinabi ng bagong tagapagsalita ng OVP na si Ruth Castelo, na 733 million pesos ang Initial Proposal nila para sa susunod na taon, kapareho ng Budget ngayong 2025.
Gayunman, inihayag ni Castelo na itinaas ng Department of Budget and Management (DBM) ang Proposed Budget sa 803.6 million pesos, na umakyat pa sa kabuuang 903 million pesos, batay na rin sa kahilingan ng OVP.
Aniya, humiling ang kanilang opisina sa ilalim ng liderato ni Vice President Sara Duterte ng karagdagang pondo para sa Additional Personnel Services at iba pang IT equipment na kailangan ng OVP.
Kinumpirma rin ni Castelo na hindi nag-request ang OVP ng anumang Confidential Funds para sa susunod taon.




