IGINIIT ni Health Secretary Teodoro Herbosa na updated ang pamahalaan sa pagbabayad ng claims ng mga pribadong ospital na nagsisilbi sa mahihirap na pasyente.
Sa gitna ito ng ulat na problema sa Guarantee Letters na ibinibigay ng mga politiko.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Sinabi ni Herbosa na pinag-aaralan niya ang ulat tungkol sa umano’y 480 million pesos na Unpaid Guarantee Letters sa mga ospital sa Batangas.
Aniya, ayon sa kanilang Regional Directors ay tatlong buwan ang kanilang Turn-Around Time, kaya updated sila, at karamihan ng hindi pa bayad ay kulang ng Documentary Requirements sa Regional Offices.
Idinagdag ni Herbosa na posibleng mas mababa pa sa 480 million ang pending payments, at iilan lamang ang mga ospital na hindi pa bayad sa kanilang kine-claim. Muli ring inihayag ng kalihim na hindi nagbibigay ng anumang Guarantee Letter ang DOH dahil ang mga pasyente ay maaring direktang magtungo sa mga pampublikong ospital.
