ITINANGGI ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang impormasyon na mayroong oversupply ng asukal, na isinisi sa pagbagsak ng millgate prices.
Sinabi ni sra Administrator Pablo Luis Azcona, na mas mababa ng 35 hanggang 37 percent ang level ng raw at refined sugar ngayon kumpara sa naitala noong nakaraang taon.
Inihayag ng sugar council, na humina ang demand sa local milled sugar bunsod ng pagpasok ng imports at tumaas na paggamit ng artificial sweeteners ng beverage industry.
Pinayagan ng SRA ang pag-angkat ng 240,000 metric tons ng refined sugar, dahil kailangang patatagin ang supply bago ang pagsisimula ng 2024-2025 milling season.
Sa tala ng SRA, as of Oct. 20, ang inventory sa raw sugar ay nasa 148,255 metric tons habang ang sa refined sugar ay nasa 323,983 metric tons.