SINIMULAN na ng COMELEC ang isang buwan na voting period para sa 2025 Midterm Elections para sa registered Filipino overseas voters.
Alas otso ng umaga kahapon, oras sa Pilipinas, nang opisyal na buksan ang voting period.
Tatagal ito hanggang ala syete ng gabi sa mayo a-dose, kasabay ng pagtatapos ng voting period sa Pilipinas.
Una nang inihayag ni COMELEC Chairman George Garcia na mayroong 1.231 million Filipino voters sa iba’t ibang panig ng mundo.