22 June 2025
Calbayog City
National

Mga Pinoy na nakaranas ng gutom, lumobo sa 35.6% noong Marso, ayon sa SWS

LUMOBO sa 35.6% ang bilang ng mahihirap na Pilipino na nakaranas ng total hunger noong Marso mula sa 26.4% noong Pebrero, ayon sa non-commissioned survey ng Stratbase-Social Weather Stations (SWS).

Batay sa datos, ang total hunger o kumbinasyon ng moderate at severe hunger, ay patuloy sa pagtaas simula January 2025 na nasa 22.3%, sa mga pamilyang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.

Bahagya rin itong tumaas sa non-poor families sa 18.3% noong Marso mula sa 16.2% noong Pebrero.

Lumitaw din sa March 2025 Stratbase-SWS Survey, na tumaas ng isang porsyento o sa 52 percent ang mga pamilyang Pilipino na itinuturing ang kanilang sarili na mahirap mula sa 51 percent noong ikalawang buwan ng taon.

Isinagawa ang survey noong March 15-20, 2025 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa isanlibo walundaang rehistratong botante, edad disi otso pataas. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).