21 June 2025
Calbayog City
National

Code White Alert, itinaas ng DOH para sa Semana Santa 2025

ITINAAS ng Department of Health (DOH) ang Code White Alert para sa buong Holy Week bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa anumang health-related incidents na posibleng mangyari sa pagbiyahe ng mga Pinoy sa mga lalawigan, simbahan, at tourist destinations.

Ayon sa DOH, epektibo ang Code White Alert simula kahapon, Palm Sunday hanggang sa April 20, Easter Sunday.

Karaniwan nang nagde-deklara ang DOH ng Code White Alert kapag mayroong national events, holidays, o mga selebrasyon na maaring magdulot ng mass casualty incidents o emergencies, upang matiyak ang kahandaan ng health facilities at personnel.

Sa ilalim ng naturang alert status, lahat ng medical personnel, lalo na ang mga emergency rooms at critical care units, ay handa para sa posibleng pagdami ng mga pasyente bunsod ng mga aksidente, injuries, at iba pang health-related incidents na maaring mangyari.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).