DALAWA katao ang patay habang labing anim iba pa ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth Avenue, sa Quezon City.
Ang mga nasawi na kapwa pasahero ng jeep, ayon sa Quezon City City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ang aksidente ay kinasangkutan ng isang tradisyunal na pampasaherong jeep na may rutang Jordan Plains-Philcoa, isang sedan, at isang e-jeepney.
Nangyari ang insidente bago mag-ala-syete ng umaga, kahapon, sa Eastbound Lane ng Commonwealth Avenue, patungong Fairview.