18 May 2025
Calbayog City
Provincial

2 sundalo patay, isa sugatan sa ambush sa Basilan

TATLONG sundalo na nakatalaga sa 18th Infantry Battalion ang inambush ng mga hindi nakilalang gunmen sa Tuburan, Basilan.

Dalawa sa mga sundalo ang nasawi habang isa ang nagutan sa pananambang.

Ayon sa 18th IB, lulan ng dalawang motorsiklo ang mga biktima mula sa Dugaa patrol base patungong Charlie company command post nang atakihin sila sa Barangay Lahi lahi.

Tiniyak naman ng militar na hindi sila titigil sa pagtugis sa mga salarin hangg’t hindi naigagawad ang hustisya.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).