Sinibak sa serbisyo ang pinuno ng Land Transportation Office (LTO) Baguio City License Renewal Office na si Chief Engr. Edilberto Bungaoen.
Inanunsyo ito mi Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon.
ALSO READ:
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Ayon kay Dizon, nahuli si Bungaoen ng mga tauhan ng Baguio City Mobile Force na nagmamaneho ng lasing.
Mahaharap si Bungaoen sa kasong paglabag sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. Sinabi ni Dizon na bilang nagtatrabaho sa LTO, ang unang-una na dapat gagawin ay ang sumunod sa batas lansagan.