INANUNSYO ng Pasig River Ferry Service na suspendido ang kanilang operasyon, ngayong araw ng halalan.
Ayon sa advisory, magbabalik ang normal na operasyon ng ferry service, bukas, araw ng Martes.
Una nang idineklara ng malakanyang ang araw ng halalan ngayong Lunes, may 12, bilang non-working holiday, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na bumoto.