DINAKIP ng mga awtoridad ang isang babae sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija dahil sa pagdadala ng 1.65 million pesos na halaga ng cash sa gitna ng Election Money Ban.
Ayon sa Police Regional Office III (PRO-3), nahuli ang babae sa COMELEC checkpoint sa Barangay Poblacion West.
Nang inspeksyunin, napansin ng mga awtoridad ang bahagyang nakabukas na eco-bag na naglalaman ng tig-one thousand peso bills.
Inamin ng suspek na naglalaman ang bag ng 1.65 million pesos na cash.
Mahaharap ang babae sa kasong paglabag sa Section 28 ng COMELEC Resolution No. 11104 na nagsasaad na ipinagbabawal ang pagdadala ng mahigit 500,000 pesos na cash dahil maari itong maipagpalagay na tangkang pagbili ng boto.