NILINAW ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maaari pa ring manghuli ang mga On-ground Traffic Enforcers ng ahensiya na naka-deploy sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Ayon sa pahayag ng MMDA, kahit umiiral ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) ng MMDA, tuloy pa rin ang physical apprehension dahil may mga blind spot areas na walang CCTV cameras.
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Ang nasabing mga lugar ay kailangan pa ring bantayan ng enforcers at ang mga lumalabag sa batas-trapiko ay iisyuhan ng tiket.
Tinitiyak ng MMDA na hindi madodoble ang record ng traffic violations ng mga motorista.
Isinusumite ng mga traffic enforcers sa MMDA ang mga Traffic Violation Tickets ng mga nahuli para mai-counter check kung nai-record din ito ng mga camera sa ilalim ng NCAP.