DUMATING na ang Olympic Flag sa Los Angeles City, kung saan gaganapin ang susunod na Summer Games sa 2028.
Ang Olympic Flag, kasama ang american athletes at officials, ay lulan ng Delta Airlines Jet na pininturahan ng “LA28” at Palm Trees.
Maingay itong sinalubong sa pamamagitan ng “California Love” na tumutugtog sa speakers ng Tarmac sa Los Angeles International Airport.
Inaward ng International Olympic Committee sa Los Angeles noong 2017 ang right para maging host ng 2028 Games.
Ito na ang ikatlong beses na gaganapin sa L-A ang prestihiyosong palaro, matapos maging Host City noong 1932 at 1984.