DALAWAMPU’T pitong Public-Private Partnership (PPP) Projects, kabilang ang 77.22-Billion peso Bataan Harbour City Project, ang nadagdag sa pipeline ng pamahalaan, hanggang noong Hulyo.
Batay sa datos ng PPP Center, tinatayang aabot sa 114 billion pesos ang kabuuang halaga ng mga bagong proyekto.
Dahil dito, umakyat na sa 164 ang total number ng PPPs na nasa pipeline at nagkakahalaga ng P3.24 Trillion.
Ang mga nadagdag ay kinabibilangan ng dalawampung solicited projects at pitong unsolicited projects.