INAMIN ni Jericho Rosales na dini-date niya ang aktres na si Janine Gutierrez.
Sa interview, inamin ng aktor na na-inlove siya kay Janine na inilarawan niya bilang amazing person, very sweet, very kind, very kind, very funny, very dedicated, at very good actress.
ALSO READ:
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Lead stars ng ‘Tangled’ live-action remake, pinangalanan na
Sinabi ni Jericho na marami silang napagkakasunduan ng aktres, gaya ng pamamasyal.
Idinagdag ng aktor na ini-enjoy niya ang kanyang oras kasama si Janine at inaasahan niyang magiging maganda ang kahihinatnan nito.
Sina Jericho at Janine ay magkasama sa ipalalabas na teleserye na Lavander Fields na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria.
