APAT katao ang nasawi makaraang sumalpok ang isang jeepney sa isang dump truck sa bayan ng Luna sa Isabela.
Nahati sa dalawa ang jeepney na may lulang labing isang pasahero dahil sa lakas ng pagkakabangga.
Batay sa CCTV footage, mabilis ang takbo ng jeepney bago ito bumangga sa paparating na truck.
Nasugatan din sa aksidente ang lima katao na isinugod sa ospital.




