NAGLABAS ang Office of the President (OP) ng travel authority para kay Vice President Sara Duterte.
Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, na taliwas sa naunang statement, nag-isyu ang OP ng travel authority para kay VP Sara, as of 8 p.m. ng Martes, para maka-biyahe patungong the Netherlands, at iba pang bansa.
ALSO READ:
Larawan ng menor de edad na anak ni VP Sara, ginamit sa pagpapakalat ng fake news
Panukalang pagsuspinde sa excise tax, pasado na sa 2nd reading sa Kamara
Panukala kaugnay sa emergency powers, sesertipikahang urgent ni PBBM
P5K ayuda sa mga tsuper ipamamahagi na sa susunod na linggo; taas-singil sa pasahe kasado na ayon sa DOTr
Sinabi ni Castro na saklaw ng travel authority ang Germany, France, Belgium, at the Netherlands simula March 11 hanggang April 30.
Kahapon ng umaga ay umalis ng bansa ang Bise Presidente patungong Amsterdam, the Netherlands, kasunod ng pag-aresto sa kanyang ama na si Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
