SA unang pagkakataon makalipas ang sampung taon, bigong maka-abante sa PBA Playoffs ang San Miguel Beermen.
Nalaglag ang San Miguel sa Quarterfinals Contention sa Season 49 Commissioner’s Cup, makaraang padapain ng NLEX Road Warriors sa score na 94-76 ang Hong Kong Eastern sa Araneta Coliseum.
Alex Eala, kinapos kay Tereza Valentova sa Japan Women’s Open
PLDT, na-sweep ang Capital-1 sa pagsisimula ng kanilang kampanya para sa ika-3 sunod na titulo
2025 Batang Pinoy Games, All Systems Go na sa General Santos City, sa kabila ng naramdamang lindol
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Huling nabigo ang Beermen na makapasok sa Playoffs noong 2014-2015 Commissioner’s Cup, nang maka-triple tie ang Globalport Batang Pier at Kia Carnival para sa 9th to 11th Playoff Spot para sa naturang conference.
Nataon na ang nasa likod ng tagumpay ng Road Warriors para mapatalsik ang SMB ay ang dating Beermen Head Coach na si Jong Uichico.
Ang 9-time PBA Champion Mentor na si Uichico ay nanalo ng anim na titles sa San Miguel Beer, sa loob ng kanyang pitong taong pananatili sa koponan.