INI-refer na ng Kamara sa House Committee on Justice ang dalawang impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ibig sabihin, iiral na ang One-Year Ban sa paghahain ng impeachment laban sa pangulo hanggang January 26, 2027.
ALSO READ:
DENR, pinaiinspeksyon ang lahat ng sanitary landfill sa bansa
Taas presyo sa produktong petrolyo, umarangkada na ngayong Martes
Pangulong Marcos, balik na sa normal schedule matapos magkasakit
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng Batas; Mga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
Ang dalawang impeachment complaint na ito ay ang unang reklamo na inihain ni Atty. Andre De Jesus at ang reklamong inihain ng Makabayan Bloc.
Sa ilalim ng house rules at ng konstitusyon, dapat agad mai-transmit ng house secretary general sa Office of the House Speaker ang reklamo.
Ang tanggapan naman ng house speaker ay kailangang ikalendaryo ng reklamo sa Order of Business para sa plenary action sa loob ng ten session days.
