INANUNSYO ng Department of Agriculture (DA) na kabilang na ang mga mangingisda sa listahan ng mga benepisyaryo na maaring mag-avail ng bente pesos per kilo na bigas.
Sa statement, sinabi ng DA na magiging bahagi na ang mga mangingisda sa humahabang listahan ng “Benteng Bigas, Meron (BBM) Na!” Simula sa Aug. 29, sa mga Fish Port.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Inilarawan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang P20 Rice Initiative bilang pinakamalaking hamon ng ahensya sa mga susunod na taon.
Kasabay ito ng pagbibigay diin na nakapagsilbi na ang programa sa halos apatnaraang libong pamilya, bagaman nangangailangan pa ito ng “full support” mula sa buong kagawaran.
Inihayag ni Tiu Laurel na mayroon silang stocks at budget, at ang kailangan na lamang ngayon ay urgency at unity.
Ang tinutukoy ng kalihim ay ang sampung bilyong pisong increase sa Rice Program Funding sa ilalim ng Proposed 2026 National Budget.