KINUMPISKA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 11.51 milion packs ng iligal na sigarilyo sa malawakang raid sa Bulacan at Valenzuela City.
Tinaya ng BIR na aabot sa 8.54 billion pesos ang tax liability ng illicit cigarettes na nasamsam sa isang pabrika sa Bulacan at tatlong warehouses sa Valenzuela.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Ayon kay Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr., ito na ang pinakamalaking operasyon ng BIR laban sa illicit cigarettes para sa taong 2024.
Pinaniniwalaan na ang apat na establisimyento ay bahagi ng sindikato.
Kabilang din sa nasamsam ng BIR ang mga raw materials, cigarette-making machines, at cigarette packing machines.
Mayroon ding anim na Chinese Nationals na nasakote sa mga isinagawang pagsalakay.