NAGLABAS ng panibagong statement si Dr. Fernando De La Pena, ang anak ng veteran actress na si Eva Darren, kasunod ng paghingi ng tawad ng famas sa kanyang ina matapos umano itong isnabin sa 72nd FAMAS Awards night kamakailan.
Sa facebook post, pinasalamatan ni De La Pena ang lahat para sa “overwhelming display of love and support.”
Rhian Ramos at Sam Verzosa, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Tagalog Voice Actor Jefferson Utanes na nasa likod ng boses nina Doraemon at Son Goku, pumanaw sa edad na 46
Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry
Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, muling nagkasama para suportahan ang kanilang anak na si Elias sa piano recital
Sinabi niya na nasumpungan ng kanyang ina ang comfort ng pagmamahal ng pamilya mula sa lahat, kasabay ng paglalarawan kay Darren bilang “battle-tested survivor of life’s arena.”
Nilinaw din ni De La Pena na walang kinalaman sa nangyari ang veteran actor na si Tirso Cruz III at Famas PR Officer Renz Spangler, kasabay ng pagsasabing casualties din sila sa kwestiyunableng backstage judgement ng sinuman.
Kasabay ng pagtanggap sa apology, payo ni De La Pena para sa 73rd FAMAS Awards night, “please stick to the script… and maybe a nice pair of eyeglasses for all in charge.”
Una nang ikinatwiran ng organizers ng award-giving body na hindi nila nakita si Darren sa event kaya pinalitan nila ito bilang isa sa mga presenter.
