NAKAKASA na ang konstruksyon ng alternatibong tulay na magkokonekta sa mainland ng Leyte upang permanenteng matugunan ang epekto ng lumang Biliran Bridge, ayon sa Department of Public Works and Highways.
Sinabi ni DPWH Biliran District Engineering Office Chief, Irwin Antonio, na matagal nang ipinanukala ng kanilang opisina ang pagtatayo ng bagong tulay, bago pa man mag-viral ang video ng umuugang Biliran Bridge.
ALSO READ:
Mahigit 1,600 na pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa banta ng Bagyong Tino
121K Food Packs, inihanda ng DSWD sa harap ng banta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Klase ngan trabaho sa gobyerno sa Samar suspendido sa Lunes ngan Martes tungod san Bagyong Tino
Kapitan sa Calbayog City patay sa pamusil; live-in partner nakatalwas
Inaalala ng opisyal na noong 2021 ay mayroong 500-million peso proposed budget para maisama ang konstruksyon ng tulay sa 2022 appropriations, subalit hindi ito pinondohan.
Simula noong Dec. 23 ay ipinagbawal ang pagdaan ng mabibigat na sasakyan, kabilang ang mga truck na may kargang pagkain at petrolyo, sa umuugang tulay.
