KINUMPIRMA ng Philippine Space Agency o PhilSA ang paglulunsad ng Long March 12 Rocket ng China ngayong araw ng Lunes, November 10.
Ayon sa PhilSA, ang posibleng Drop Zones ng Rocket ay sa twenty-nine nautical miles ang layo mula Puerto Princesa, Palawan at sa twenty nautical miles na layo mula sa Tubbataha Reef Natural Park.
Ang Long March 12 Rocket ay inilunsad mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan dakong 10:42 ng umaga oras sa Pilipinas.
Paalala naman ng PhilSA sa publiko kung may makikita silang hinihinalang Debris ng Rocket ay huwag nila itong hahawakan o lalapitan dahil maaaring nagtataglay ito ng Toxic Substances gaya ng Rocket Fuel.




