INAASAHANG hindi maaabot ng Pilipinas ang Economic Growth Target sa ikatlong sunod na taon ngayong 2025.
Ito, ayon ayon kay Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan, kasunod ng mas mahina kumpara sa inaasahang third-quarter performance, sa gitna ng corruption concerns na nakaapekto sa sentimyento ng mga consumer at investors.
ALSO READ:
Sinabi ni Balisacan na malabong maabot ng bansa ang ibinaba pang Growth Target Range na 5.5% hanggang 6.5% na itinakda ng Inter-Agency Development Budget Coordination Committee (DBCC).
Idinagdag ng DEPDev chief na kailangan lumago ang ekonomiya ng 7% ngayong 4th quarter para maabot ang 5.5% growth ngayong taon.




