ISASABIT na ni Japeth Aguilar ang kanyang national team jersey.
Pormal na inanunsyo ni Aguilar ang kanyang pagreretiro mula sa national team duties, ilang minuto bago ang game ng Gilas Pilipinas laban sa Guam, para sa 2025 FIBA World Cup Asian Qualifiers, kagabi.
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Rizal Memorial Tennis CENTER, sasailalim sa testing bago ang Philippine Women’s Open
Alex Eala, aabante sa ASB Classic Quarterfinals matapos patalsikin ang 1 pang Croatian ace
Ang kanyang retirement ay inanunsyo sa isang pamilyar na venue – sa Blue Eagle Gym, kung saan ginugol ni Japeth ang dalawang taon ng kanyang collegiate career sa Ateneo De Manila University.
Ang trenta’y otso anyos na manlalaro ay bahagi ng Philippine team sa tatlong iba’t ibang FIBA World Cup Editions noong 2014, 2019, at 2023.
Kabilang din siya sa gold-medal squad noong 2023 Asian Games, at tumulong para mawakasan ang animnapu’t isang taong pagkauhaw ng bansa sa Championship.
