SUSPENDIDO ang pag-iral ng number coding sa dalawang magkasunod na holiday.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme ngayong Biyernes, Aug. 23 sa paggunita ng Ninoy Aquino Day na idineklara ng Malacañang bilang special non-working day.
Gayundin sa Lunes, Aug. 26 sa paggunita ng National Heroes’ Day, na isang regular holiday.
Wala namang number coding scheme tuwing Sabado at Linggo.
Paalala naman ng MMDA sa mga bibiyahe para sa long weekend, planuhin ng maaga ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho.