IPINANUKALA ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa Filipino-Chinese Businessmen na i-develop ang Greater Manila Bay Area (GMBA), gaya sa Greater Bay Area na sumasaklaw sa Guangdong, Hong Kong, at Macau.
Inihayag ito ni Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) President Cecilio Pedro sa Manila Forum for Philippines-China Relations sa Pasay City.
Ayon kay Pedro, ginawa ni Huang ang proposal para gayahin sa Pilipinas ang GBA, kung saan kabilang ang areas malapit sa Manila Bay, mula Bataan hanggang Cavite.
Aniya, nakita ng Chinese Envoy ang potensyal ng proyekto at suportado ito ng mga negosyante Filipino-Chinese.
Idinagdag ng FFCCCII President na wala siyang nakikitang problema kung gagawin ang GMBA sa Luzon Economic Corridor, na suportado ng Amerika at Japan, bilang bahagi ng trilateral partnership sa Pilipinas.