22 November 2024
Calbayog City
Metro

Number coding scheme, sinuspinde ng MMDA; MRT-3 at LRT 1 at 2, may libreng sakay ngayong Araw ng Kalayaan

Suspendido ang number coding scheme ngayong Miyerkules,  kasabay ng pagdiriwang ng ika-isandaan dalawampu’t anim na araw ng kalayaan ng bansa.

Sa Facebook advisory, hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na lumahok sa iba’t ibang aktibidad sa Quirino Grandstand at Rizal Park sa Maynila.

Pinayuhan naman ang mga motorista na planuhin ng maaga ang kanilang mga biyahe.

Una nang nag-anunsyo ang MMDA ng road closures para sa mga gagawing pagdiriwang ngayong Independence Day.

Samantala, may libreng sakay ang mga tren sa Metro Manila sa mga piling oras ngayong araw.

Sa magkakahiwalay na abiso, nakasaad na magpapatupad ang MRT-3,  LRT-1 at LRT-2 ng libreng sakay ngayong Miyerkules simula ala syete hanggang alas nueve ng umaga at simula ala singko ng hapon hanggang ala syete ng gabi.

Ayon sa mga pamunuan ng Metro Railway Services, ang kanilang hakbang ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 126th Philippine Independence Day.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *