TUMANGGAP ang Norwesian Topnotcher na si Prime Rose Villa ng tseke na nagkakahalaga ng 60,000 pesos bilang incentive mula sa Northwest Samar State University (NwSSU).
Ito’y makaraang masungkit ni Villa ang Ika-siyam na pwesto sa Licensure Examination for Teachers (LET) na ginanap nitong March 2024.
ALSO READ:
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
85 child laborers sa Northern Samar, tumanggap ng tulong sa ilalim ng Project Angel Tree ng DOLE
Eastern Visayas, nagpadala ng inuming tubig sa Cebu
Ginanap ang Awarding sa Office of the President ng unibersidad, noong Lunes, June 24.
Present sa Awarding sina University President, Dr. Benjamin Pecayo; Student Affairs and Services Director, Dr. Myra Pilpa; Vice President for Academic Affairs, Dr. Ramil Catamore; at Vice President for Administration, Engr. Rhio Dimakiling.
Ang insentibo ay bahagi ng programa ng NwSSU na kumikilala sa Board Topnotchers.