INAASAHAN ng Northern Samar Provincial Government na maku-kompleto ang 206-Megawatt Wind Power Project sa ikalawang quarter ng 2025.
Sinabi ni Northern Samar Provincial Economic Development and Investment Promotions Office (PEDIPO) Chief Jhon Allen Berbon, na on-track ang proyekto para sa full-scale construction at inaasahang mag-o-operate sa ikalawang quarter ng susunod na taon.
Ang San Isidro Wind Power Project ay isang renewable energy project ng Lihangin Wind Energy Corp. (LWEC), tampok ang 33 wind turbine generators na may kapasidad na makapag-produce ng 206.25 megawatts ng kuryente, kasama ang mahigit isandaan at tatlumpung transmission towers.