14 March 2025
Calbayog City
Province

Batas na nagpapaliban sa unang parliamentary elections, welcome sa Bangsamoro Government

WELCOME sa Bangsamoro Government ang pagpasa ng batas na magpapaliban sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcis Jr. Upang maging ganap na batas ang panukalang iurong sa Oct. 13, 2025 mula sa May 12, 2025 ang BARMM parliamentary elections, batay sa anunsyo ni COMELEC Chairman George Garcia, noong biyernes.

Sa statement, sinabi ng Bangsamoro government na ang pag-urong sa halalan ay welcome development upang palakasin pa ang mga pundasyon ng autonomous governance.

Una nang sinuspinde ng COMELEC ang pag-i-imprenta ng mga balota para sa naturang eleksyon makaraang magpasya ang bicameral conference committee na iurong ang halalan sa oktubre.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).