LIGTAS at hindi naapektuhan ng Severe Tropical Storm Crising ang lahat ng Transmission Lines, bagaman nagpapatuloy ang Monitoring dahil sa malalakas na ulan na dulot ng Habagat.
Sa advisory, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), na nananatiling Normal at Stable ang Grid Operations sa buong bansa.
Tiniyak ng ahensya na lahat ng kanilang Transmission Facilities ay kasalukuyang nasa ilalim ng Normal Conditions, at handa silang i-activate ang 24/7 Operations ng kanilang Overall Command Center, sakaling magkaroon ng anumang banta sa Transmission Operations bunsod ng Habagat at iba pang sama ng panahon.
Lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Crising noong Sabado ng umaga, subalit patuloy na nagpapaulan ang Habagat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.