30 June 2024
Calbayog City
Local

NGCP, nais mabawi ng buo ang 87.9 Billion pesos na investment sa pagkumpleto ng dalawang malalaking proyekto

HUMIHIRIT ang Systems Operator na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng regulatory approval para mabawi ang kanilang ininvest upang makumpleto at ma-energize ang dalawang major Transmission Line Projects.

Sinabi ni NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza na umabot sa 87.9 Billion pesos ang kanilang total investment para sa Mariveles-Hermosa-San Jose (MHSJ) at Cebu-Negros-Panay (CNP) Transmission Lines.

Para sa MHSJ project, naghain ang NGCP para sa project Cost na 20.94 Billion pesos, subalit ang pinayagan lamang ng Energy Regulatory Commission (ERC) na marekober ay 25.78 Million pesos mula sa kanilang customers.

Para naman sa CNP, nag-invest ang grid operator ng 67.98 Billion pesos pero ang inaprubahan lamang ng ERC na mabawi ay 176 Million pesos.

Inihayag ni alabanza na sa dalawang proyekto, nakakolekta lamang ang NGCP ng 201.78 Million pesos, kapos ng 87.7 Billion pesos kumpara sa kanilang total investment na 87.9 Billion pesos.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *